Mga Mahal Naming Kasosyo sa Komunidad:
Noong unang araw ng buwan na ito, ako po ay nag-anunsio ng pagbibigay tulong pinansial para sa mga may-ari ng negosyo sa San Francisco at para sa mga empleyado nito, kasama ang bagong programa sa San Francisco Programang Para sa mga Trabahador at Pamilya Una na Bayad na Sick Leave. (Workers and Families First Paid Sick Leave Program).
Kasama sa programa ay ang sampung milyong dolayares ($10 million) na pondo para supportahan ang mga negosyo at ang mga trabahador nito para magbigay ng karagdagang bayad sa sick leave bukod sa kasalukuyang patakan. Ang layunin ng programang ito ay para maibsan ang panandalian at ang pangmatagalang apekto sa ekonomiya ng COVID-19 sa mga negosyo at empleyado ng San Francisco.
Mangyari po lamang na ipalaganap at ibahagi ang impormasyon na ito at link sa aplikasyon sa inyong mga kakilala at hinihikayat namin ang mga may-ari ng negosyo na magsumite ng aplikasyon sa laong madaling panahon. Sa loob lamang ng 24 oras simula ng aming anunsiyo noong Huwebes ang programang ito, kami po ay nakatanggap na ng mahigit kumulang sa 100 na aplikasyon galing sa mga may-ari ng negosyo na sa kulang-kulang $1.6 milyong dolyar halaga ng mga pre-approve na aplikasyon. Noong Lunes, doble ang aplikasyon na aming natanggap, higit kumulang sa 260 aplikasyon na nagkakahalaga ng higit pa sa $3.5 milyong pre-approved na suporta.
Ang lahat ng mga negosyo sa San Francisco ay eligible na may hanggang 20% na pondo na nakalaan para sa mga maliliit na negosyo na may 50 empleyado o mas kaunti. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga kinakailangang sa pag-apply, bisitahin lamang ang aming webpage at karagdagang impormasyon sa Mga Madalas na Tanong Tungkol sa Programa. Kung kailangan nyo ang tulong o ayuda sa pag-apply o kung kayo ay may katanungan, para sa mga negosyante, magyari po lamang na tumawag sa Opisina para sa Maliliit na Negosyo sa (415) 554-6134, [email protected].
Ang Programang Para sa mga Trabahador at Pamilya Una na Bayad na Sick Leave.o Workers and Families First Paid Sick Leave Program ay pinamamahalaan ng opisina ng Office of Economic and Workforce Development (OEWD) at ng Human Services Agency (HSA). Para sa karagdagang impormasyon at mapagkukunan ng serbisyo na magagamit upang matulungan ang mga negosyo sa San Francisco, mga empleyado nito, at ang mga non-profit na apektado ng COVID-19, mangyari po lamang na bisitahin ang aming resource page para sa araw-araw na update.
Alam ko na ito ay mga paghamon sa ating mga residente, mga manggagawa, at mga negosyo sa mga oras na ito. Patuloy naming gagawin ang lahat ng aming makakaya upang suportahan ang ating lungsod habang maroon padenya at sa ating muling pagbangon. Huwag po kayong mag-atubiling makipag-ugnayan sa amin para makatulong sa darating na mga lingo at buwan.
Taos puso,
London N. Breed
Mayor of San Francisco